Kaibigan, Tara Usap Tayo
Posted: Friday, March 19, 2010 by Dianne Mallari, Hyacinth Julian, Charmina Liao, Nicol Lee, Janine Pelonio, at Rowielyn Pimentel inPaglalahad ng Suliranin
Isa sa mga batayan ng pagiging lehitimo ng isang negosyo ay ang pagkakaroon nito ng resibo. Ang resibo ay may ginagampanang mahalagang katayuan sa bawat kalakalan: nagsisilbi itong katibayan ng naganap na transaksyon sa pagitan ng isang negosyante at ng mamimili, sa loob at labas ng negosyo. Hindi maaaring maglimbag ng sariling resibo ang isang negosyo hangga’t wala itong pahintulot mula sa Kawanihan ng Rentas Internas[1](Bureau of Internal Revenue o BIR).[2]
Application No. 1906 - Application for Authority to Print Receipts and Invoices(www.gov.ph/download/bir/1906.pdf)
Ang resibo ay naglalaman ng mga datos na tulad ng petsa ng transaksyon, numero ng permiso ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI Permit No.), pangalan ng nasabing negosyo, kung minsan ay pirma o pangalan ng mamimili at higit sa lahat ay ang halaga ng transaksyon at ipinatong na buwis. Ang huli ay ginagamit ng BIR bilang batayan ng halaga ng buwis na dapat bayaran ng may-ari ng negosyo.
Isa sa mga lumulobong suliranin ng Pilipinas ay ang pamimirata: ang hindi awtorisadong paggamit o pagpaparami ng isang bagay na copyrighted o patented.[3] Bukod sa ilegal ang negosyong ito, ang pangangalakal ng mga piniratang bagay ay hindi gumagamit ng resibo. Walang basehan ang BIR na mawari ang halaga ng buwis na dapat bayaran ng may-ari ng negosyo at mapilit ito na magbayad.
May ilang mga hakbang na ginawa ang gobyerno, tulad ng pagtatayo ng Optical Media Board (OMB) na dating kilala bilang Videogram Regulatory Board (VRB). Ito ang inatasan ng gobyerno upang sugpuin ang laganap na pamimirata tulad ng: paggawa at pagbebenta ng DVD ng mga lokal at banyagang pelikula, palabas sa telebisyon, computer games at softwares, video games gaya ng Play Station, XBOX 360, Wii at iba pang patok na teknolohiyang digital na pang-aliw sa mga kabataan.
Piniratang Nintendo Wii game (NBA 2k10)
Gayunpaman, sa kabila ng mga programang itinayo ng gobyerno, tila hindi ito sapat. Ayon sa ”Philippine Business Magazine: Volume 10 No. 8 - Policy”, higit na nalugi ang mga iba’t ibang industriya ng pelikula at musika ng Pilipinas dahil sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa piratang produkto. Noong 2002, kumita ang pamimirata ng 42.5 bilyon PHP na ikinalugi ng industriya ng mga pelikula at musika sa bansa.
Bilang mga mag-aaral ng Komersiyo, nais makita ng mga mananaliksik ang ibang askpeto ng pagnenegosyo, aspektong may kinalaman sa pamimirata. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaaring mabuksan ang kamalayan ng lipunan sa ginagampanang tungkulin ng resibo sa pagnenegosyo legal man o iligal ang produkto.
Rebyu/Pag-aaral
May isang pag-aaral na isinagawa si G. Tilman, isang propesor sa Film Institute ng Unibersidad ng Pilipinas na may pamagat na “The Culture of Piracy in the Philippines”. Tinatalakay nito kung paano namayani ang industriya ng pamimirata ng iba’t ibang media sa Pilipinas, kung paano ito ”tinanggap” ng mga mamamayang Pilipino at ginagamit ng mga institution bilang “video references” sa pagtuturo ng leksiyon sa mga estudyante at kung ano ang epekto nito sa lokal na industriya.
Sa Philippine Business Magazine: Volume 10 No. 8 – Policy, isang artikulo na may pamagat na “Pirates: Facing the Challenges of Optical Disk Piracy” sa panulat ni G. Emilio R. Gonzales III ang tumatalakay sa mga masamang epektoa talamak na pagbebenta ng mga piniratang gamit.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni G. Jonas Baes, isang assistant professor sa Kolehiyo ng Musika sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman, na may pamagat na “Towards a political economy of the “real”: music piracy and the Philippine cultural imaginarym,” ang epekto raw ng pagbebenta ng mga piniratang CD ng mga musika ay higit na nakalulugi o nakasasama sa in ng pamimirata sa industriya, kung magkano ang nalulugi ng mga industriya at ng gobyerno dahil sdustriya ng musika at nakaaalarma na sapagkat talamak ang pagbebenta nito sa Pilipinas.
Pinapakita lamang nito ang mga hindi kanais-nais na mga epekto ng pamimirata ng mga iba’t ibang produkto sa bansa.
Si Verne A., na nagtapos ng pag-aaral ng Bachelor of Fine Arts degree in Creative Writing major in Non-Fiction Writing sa Ateneo de Manila ay nagsulat ng artikulong “Video Game Software Piracy In The Philippines” na nalahatla sa http://hubpages.com na tungkol sa talamak na pagbebenta ng hindi lamang mga piniratang video game software pati na rin ng mga DVD, CD, at VCD ng mga piniratang pelikula, programa sa telebisyon at iba pa sa Pilipinas. Tinalakay rin sa artikulong ito ang dahilan sa pagkiling ng mga mamimili sa mga piniratang video games sapagkat mas mura ito kumpara sa mga orihinal na kopya nito.
Layunin
Layunin ng pananaliksik na ito na makaambag sa pagkalap ng mga impormasyon ukol sa mga negosyong pamimirata na laganap ngayon sa bansa. Ito ay naglalayon na makatulong sa pag-alam kung papaanong may mga negosyong nakakapaglabas ng resibo sa kabila ng kanilang pagbebenta ng mga produktong may kaugnay sa pamimirata na sinasabing iligal.
Kalakip ng pananaliksik na ito ay makaambag sa paghahanap ng sagot sa kung paanong ang negosyo ay naturingang legal ngunit may kaugnayan pa rin sa pagbebenta ng ng iligal na produkto.
Metodolohiya
Lumikom ng mga impormasyon ukol sa pagpapalehitimo ng negosyo mula sa mga babasahin tulad ng libro tungkol sa mga batas at pagnenegosyo. Naghanap sa mga magazines at mga artikulo na may kaugnayan sa datos na nagaganap sa pang kasalukuyang epekto ng pamimirata sa ekonomiya. Nag-ikot sa ilang parte ng Kamaynilaan at Lungsod ng Marikina upang makapanayam ang ilang mga nagtitinda ng mga produkto at sa mga tagapamili o tagatangkilik nito upang malaman ang kanilang kaalaman o nalalaman tungkol sa mga produktong pinirata at legalidad ng establishment na binibilhan ng piniratang VCD,CD, DVD at iba pang produkto.
Saklaw / Delimitasyon
Ano nga ba ang ibig sabihin ng “piniratang gamit”? Ang pananaliksik na ito ay tumitingin lamang sa mga bagay na ginaya ang disenyo at ibinibenta bilang kaperaha na tatak o katunog na pangalan ng orihinal na tatak ng pinaggayahang produkto. Partikular na sa usapin ng mga piniratang DVD, ang ikukonsidera lang ay ang mga kinopya mula sa orihinal. Maging ang mga damit, bag, sapatos na kinopya mula sa orihinal at nagawa pang kopyahin pati ang pangalan o mas kilala sa tawag na brand nito Sa madaling salita, nakasentro o nakapokus lamang ang pananaliksik na ito sa mga produkto na sumailalim sa mga kategoryang nabanggit na ibinibenta ng mga lehitimong negosyo.
Napagpasyahan ng mga mananaliksik na puntahan ang ilan sa mga sikat na bilihan ng piniratang produkto sa ilang bahagi ng Maynila na malapit sa paaralan ng mga mananaliksik tulad ng Quiapo na sikat sa pagbebenta ng mga piniratang DVD, at Divisoria na talamak sa pamimirata ng mga branded na produkto tulad ng mga tanyag na tatak ng mga bag, wallet o pitaka, sapatos, cell phone, mp3 player at iba pa, at sa at sa isang mall sa Marikina, na talamak sa pagbebenta ng mga piniratang video games.
Daloy ng Pag-aaral
Ang unang kabanata ay ang Resibo: Kahulugan at Kahalagahan. Ang kabanatang ito ay tungkol sa resibo. Babasa sa kabatang ito ang mga panunahin dahilan kung ganoon na kikinabang ang Pilipinas sa nagbibigay ng resibo sa bawat transaksyon ng isang negosyo.
Ang ikalawang kabanata ay ang Pagpasok sa Iligal na Negosyo ng Pamimirata. Mababasa rito ang papagbibigay-liwanag sa usapin ng pagnenegosyo na may kaugnayan o kuneksyon sa pamimirata at kung paano ito lalong nagiging matagumpay o patuloy itong umuunlad sa Pilipinas. Mababasa rin dito ang kaugnayan ng pamimirata sa smuggling.
Ang ikatlong kabanata ay Ang mga Hakbang na Ginagawa ng Gobyerno ukol sa usapin ng Problema sa Pamimirata. Sa kabanatang ito ay tinatalakay ang mga nagdaan at pagkasalukuyan na pamamaraan ng gobyerno upang malipul na ang problema sa pamimirata, damay na rin sa usapin na ito ang smuggling sa bansa.
Ang ikaapat na kabanata ay Ang Kaugnayan ng Pamimirata sa Resibo. Sa kabanatang ito, mababasa ang koneksiyon ng pamimirata sa mga lehitimong negosyo na naglalabas ng resibo kahit ng pinarata lang ang kanilang produkto.
Ang ikalimang kabanata ay ang Resulta ng Field Work.
Ang ikaanim na kabanata ay Konklusyon at Rekomendasyon. Dito ay mababasa ang nabuong konklusyon matapos ang pagsisiyasat at pananaliksik . Matutunghayan din sa bahaging ito ang mga rekomendasyon ng mga mananaliksik ukol sa mga problema kaugnay ng pamimirata. Kasama rin dito ang mga panukalang solusyon sa mga problemang nailahad at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng resibo sa bawat transaksyon ng kalakalan.
I. Resibo: Kahulugan at Kahalagahan
Hindi na bago sa pandinig ang salitang “resibo”. Kadikit na ng resibo ang negosyo.
Ang resibo ay ang tanda ng transaksyon na isinagawa sa isang negosyo. Maituturing na lehitimo ang isang esblisimento kung ito ay may kakakayahan na mag labas ng resibo sa bawat transakyon na isisanagawa.
Ito ay “gross operating receipts less the cost of returned goods and the allowances to offset bad debts and depreciation.”[4] Ito ang nagagawa ng resibo sa isang negosyo.
Ang income tax ay ang ipinapataw na halaga ng buwis sa kita ng negosyo. (Ayon sa www.thefreedictionary.com)
Importante ang kinatatayuang papel ng resibo sa transaksyon sa pagbili at pagbenta, mapa-produkto man o serbisyo. Ang hindi pagbigay ng resibo sa isang transkayon ay nagdudulot ng malaking kawalan sa gobyerno. Humigit-kumulang na PHP 65 bilyon ang nawawala sa gobyerno taun-taon. (Ayon kay Finance Secretary Gary Teves)[5]
Ano nga ba ang kahalagahan ng resibo?
Ang isang nagbebenta na hindi naglalabas o nagbibigay ng resibo ay maaaring itago o ilihim na lamang ang mga transaksyon na nagananap sa nasabing negosyo sa BIR, sa ganun sa makaiwas sa pagbabayad ng buwis – 12% VAT (Value Added Tax) at income taxes.[6]
II. Pagpasok sa Pamimirata
Tanyag o kilalang iligal na negosyo ang pamimirata.
Maraming lehitimong negosyo at industriya ang nalulugi dahil sa pamimirata ng mga produkto nila at sa pagbebenta nito sa mas murang halaga. Ang Pilipinas, bilang isang Third World na bansa, hindi talaga maiiwasan na mas tangkilikin ng mga Pilipino ang mga piniratang gamit na minsan ay maituturing din na smuggled o ipinuslit lamang sa bansa – bag, mp3 player, cell phone, DVD, damit at iba pa.
Sa pag-aaral ni G. Tilman ng Unibersidad ng Pilipinas mababasa ang mga katagang ito:
“… ‘Piracy is the best distribution system.’ (Said by) the Hong Kong film producer Manfred Wong, on discovering that his film ‘Young and Dangerous IV’ was available on the black market while on his way to the premier of his movie.”
Mababasa rin sa pag-aaral ni Propesor Tilman na:
“The growing piracy business has made the Philippines one of thirty-one countries that supposedly have a larger market for illegal software than for commercial software (International Intellectual Property Alliance 2005),”
Ayon sa KWENTONG SHOWBIZ ni Ernie Pecho (Pilipino Star Ngayon noong Disyembre 30 , 2001:
“Ganyan kabilis ang mga pirata na talamak na talaga ang mga ilegal na negosyo sa buong bansa. Pati ang ating sariling music industry ay kawawang biktima nitong mga bootleggers. Talagang unfair trade practice ang kanilang ginagawa at pagnanakaw pa ng mga intellectual properties. Hayagan ang ginagawang bentahan ng mga pirate CDs, VCD’s at cassettes, kahit sa mga malalaking tindahan at malls tulad ng Uniwide, Vira Mall at Nova Mall. Pati ang kahabaan ng Raon na noon ay tinawag na Pinoy Tin Pan Alley ay nasakop na ng mga pirata. Sila ang buong ningning na naka-display sa mga bangketa at natakpan na nila ang mga lehitimong record bars doon buong daang ‘yon.”
Ang tagal na talagang problema ng bansa ang pamimirata. Noong 2001 pa lang ay talamak na, 2010 na ngayon!
Hindi naman maikakaila na ang mga piniratang gamit ay hindi lang ginagawa sa loob ng bansa ngunit kadalasa’y nanggagaling sa ibang bansa – sa madaling salita kasangkot din ang kalakaran ng smuggling sa bansa.
Mababasa sa BABY TALK Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon), Hulyo 22, 2004:
“Masigasig ngayon ang Optical Media Board sa pagsuyod sa lahat ng mga malls, seaport, warehouse etc. para linisin at pigilan ang pagdating sa bansa ng milyon-milyong halaga ng smuggled CDs, VCDs, DVDs among others.
Hindi na lang kasi pirated copies ang nagkalat ngayon sa bansa kundi mga smuggled goods na rin na nanggaling ng Malaysia. 'Kaya nga mahigpit ang ginagawa naming pagbabantay sa mga seaport dahil do’n karamihan pumapasok ang mga smuggled goods,' sabi ng OMB Chairman Edu Manzano nang mapanood ang nagpapa-interview.
Sa Coastal Mall, umabot sa halos 50 sakong pirated goods ang nakumpiska nila. Halos makipag-rambulan din daw si Chairman Manzano sa mga may-ari ng tindahan partikular na sa mga kasamahan nating Muslim dahil nakikipag-matigasan ang mga ito.”
Mababasa sa aritikulo na naisulat ni G. John Grafilo, “Philippine Goods add attraction for the tourists in the Philippines,” hindi lamang ito tungkol sa karanasan ng isang Amerikano at isang Briton na turista. Laking gulat nila sa presyo ng mga “Class A” na produkto tulad ng Lacoste at Gucci at pati na rin mga DVD ng mga Hollywood na pelikula. Mababasa rin sa artikulong ito na:
"...Hawkes of fake products continue to to proliferate in the Philippines-inside shopping malls, on sidewalks, outside hotels, even inside buildings- despite rerelentless raids and seizures conducted by government authorities.
...'The rampant use of unlicensed software in the workplace by businesses continued to cause the greatest revenue losses to the software industry in 2008, thereby stunting the growth of the information sector,' International Intellectual Property Alliance (IIPA) said.....It (IIPA) also called for more raids and criminal prosecutions against those engaged in all forms of piracy like mall-owners and retail merchants selling pirated CDs and DVDs and businesses using pirated software programmes. "
www.omb.gov.ph
Nagtayo rin ang gobyerno ng isang anti-piracy team na mas kilala bilang “Plipinas Anti-Piracy Team”. Ang mga ahensya ng goyerno na kabilang dito ay ang Optical Media Board, National Bureau of Investigation at Philippine National Police. Ayon sa website ng Optical Media Board marami na rin mga isinagawang paghuhuli at pagsalakay (raid) sa iba’t ibang negosyo o lugar kung saan man talamak ang pamimirata. Nakatuon lamang sa mga piniratang DVD, VCD at CD ng mga pelikula, palabas sa telebisyon, softwares at iba pa.
www.papt.org.ph
Nagpasa na rin ang Kongreso ng batas - Republic Act No. 9239, entitled “An act regulating optical media, reorganizing for this purpose the Videogram Regulatory Board, providing penalties therefore, and for other purposes”, na mas kilala sa tawag na Optical Media Act of 2003. Idineklara ang kautusan na ito upang maproteksyunan at mapalaganap ang Intellectual Property Right. Sa ilalim ng Intellectual Property Right, ang may-ari ay pinagkakalooban ng eksklusibong karapatan (exclusive right) sa mga nagawa niya. Halimbawa ng uri ng karapatang ito ay ang copyright at tatak pangkalakal o trademark.
Naglabas din ng isang kautusan ang Pangulong Gloria Macapagal-Aroyo noong Marso 10, 2004 para sa usapin ng smuggling o pagpupuslit ng mga produkto galing sa ibang bansa na hindi dumaraan sa tamang pagsusuri o inspection ng gobyerno – Bureau of Customs. Ito ay ang Executive Order No. 297, “Creating the Office of the Anti-smuggling Presidential Adviser” na naglalayong magkaroon ng isang adviser ang Pangulo para sa mga dapat gawin ukol sa usapin ng smuggling. Dahil dito ay nabuo ang isang anti-smuggling task force, na tinawag na National Anti-smuggling Task Force (NASTF), na nabuwag naman pagkatapos ng eleksiyon.
Naganap ang raid sa 168 Mall Divisoria, Manila. Ayon sa ORA MISMO ni Butch M. Quejada ng Pilipino Star Ngayon noong March 30, 2006, may 800 na stall owners sa 168 Mall Reina Regente, Binondo ang naapektuhan sa nasabing raid. Halos tatlong libong nagbebenta at karagador ang nalugi at di bababa sa labing-limang trabahador ang apektado sa pagsara ng nasabing mall. Ang dahilan ng raid ay dahil sa mga iligal na mga piniratang produktong ipinuslit lamang, ngunit ito’y maaaring maresolba kung magpapakita ang mga may-ari ng mga resibo ng mga produktong naibenta at sa pagbabayad ng tamang buwis. Ayon pa dito, nagtataka ang ORA MISMO kung bakit 168 mall lamang ang sinalakay, gayong napakaraming mall ang nagbebenta ng mga piniratang kagamitan, tulad ng ibang tindahan sa Divisoria,Greenhills sa San Juan at Baclaran.
Dahil sa mga balitang nalikom na mga mananaliksik ukol sa mga lehitimong negosyo na may kaugnayan sa pamimirata tulad ng mga mall, isang magandang halimbawa ay ang 168 Mall sa Divisoria, na naipasara pala ito noong 2006 dahil ang nasabing mall pala ay nagbebenta ng mga smuggled at piniratang produkto. Sa loob ng 168 Mall, may mga lehitimong negosyo ngunit ang kadalsan ay ang mga pangunahing produkto ng mga ito ay pinirata lamang sa orihinal sa produkto tulad ng bag, damit, mp3 player at iba pa. Masasabing lehitimo ang isang negosyo kung may BIR PERMIT NO. ito. At kung may BIR PERMIT NO. ang isang negosyo, may kakayahan ito maglabas o magbigay ng resibo sa bawat transaksyon na pinapasukan.
IV. Ang Kaugnayan ng Pamimirata sa Resibo
CHAPTER II - ADMINISTRATIVE PROVISIONS SECTION 238. Printing of Receipts or Sales or Commercial Invoices. - All persons who are engaged in business shall secure from the Bureau of Internal Revenue an authority to print receipts or sales or commercial invoices before a printer can print the same.No authority to print receipts or sales or commercial invoices shall be granted unless the receipts or invoices to be printed are serially numbered and shall show, among other things, the name, business style, Taxpayer Identification Number (TIN) and business address of the person or entity to use the same, and such other information that may be required by rules and regulations to be promulgated by the Secretary of Finance, upon recommendation of the Commissioner.
All persons who print receipt or sales or commercial invoices shall maintain a logbook/register of taxpayers who availed of their printing services. The logbook/register shall contain the following information:
(1) Names, Taxpayer Identification Numbers of the persons or entities for whom the receipts or sales or commercial invoices were printed; and
(2) Number of booklets, number of sets per booklet, number of copies per set and the serial numbers of the receipts or invoices in each booklet.
Halimbawa na lamang ang nabanggit na raid sa 168 Mall sa Divisoria sa Binondo Manila, sa kabila ng naganap na raid at pagkumpiska sa mga produktong iligal ay maari pa rin magpatuloy ang bentahan nito sa pamamagitan ng paglabas ng mga may-ari ng tindahan ng resibo. Pero bakit nga ba ang ibang lugar tulad ng Baclaran, Greenhills sa San Juan na nagbebenta rin ng mga produktong iligal ay hindi sinasalakay.
V. Resulta ng Masusing Pagmamasid at Pananaliksik
168 Mall
(Larawan ay galing sa isang website.)
Ang orihinal na Diesel Bag, Louis Vuitton bag, Iphone, Gucci bag at salamin, NBA jersey, at Kipling. Walang nakuhanang litrato ng mga pekeng produkto sapagkat napakabigilante ang mga tindero't tindera habang ang mga mananaliksik ay nagmamasid.
(Mga larawan ay galing sa iba't ibang website.)
Mayroon isang tindahan na nagbebenta ng mga NBA Jersey na nagkakahalaga ng P400. Maituturing na Class A ang mga ito o mataas na kalidad na piniratang produkto. Ngunit sa orihinal na presyo ay P1500 pataas.
Itsura ng orihinal na Havaianas, Ipanema, Nike, at Adidas na tsinelas.
(Mga larawan ay galing sa sa iba't ibang website.)
Ang 168 Mall sa Divisoria ay kilalang bentahan ng mga mura at pekeng produkto sa Pilipinas. Kung pupunta dito ay karaniwang maririnig sa mga tindera at store owners na mula sa China, Thailand at Korea ang kanilang mga produkto. Ito rin ay kilala, dahil sa maraming bilihan o tinatawag na wholesale at gayon din naman ang tingi o retail.
Noong Marso 7, 2010, pumunta ang mga mananalik sa SM San Lazaro, Felix Huertas sa kanto ng A.H. Lacson at bumili ng mga PSP (Play Station Portable) games – 3-for-100 sa Game Faqs at Gameline. At naglabas ang Game Faqs ng resibo kahit na na-download lamang ang mga nasabing laro sa isang internet site. Ang orihinal na PSP game ay naghahalaga ng humigit kumulang P3,000 pataas. Ang orihinal na PSP game ay hindi dina-download mula sa internet - kapag download lang ito, ito ay maituturing na pamamarata.
Ibinigay na resibo noong bumili ng PSP games (3 - for- P1oo) sa Game Faqs sa SM San Lazaro.
Noong Marso 11, 2010, pumunta ang mga mananaliksik sa Greenhills Shopping Center Ortigas Avenue, San Juan, Metro Manila. Bumili ng mga computer CD ang mananaliksik upang masaksihan ang transaksyon sa mall na nabanggit. Tatlong CD ang binili ng mananaliksik, isa ay para sa Adobe Masters, gamit ito para sa lahat ng application ng adobe at ang dalawa pang CD ay Lynda.com na gamit naman sa tutorial o pagtuturo sa paggamit ng software. Makikitang ito’y peke dahil na rin sa mababang klase ng packaging, na kumpara sa orihinal na may sinusunod na standard. Ito’y kulang sa mga impormasyon at simple lamang ang lagayan. Ito rin ay maaaring makasira ng mga computer at hindi maaaring magkaroon ng software o program update ayon sa Anti-Piracy Armed Guards na tumutulong sa pagsugpo sa pamimirata.Kung bibili naman ng orihinal na Adobe Masters ay di bababa ng P2000 ang isa. Nagkakahalaga ng P260 ang lahat at ito’y may kasamang resibo na naglalaman ng biniling produkto, presyo, pangalan ng tindera, kelan ito naganap ang transaksyon at BIR TIN NUMBER. Namataan ng mga mananaliksik na ang tindahan ay may BIR permit at tax mapped (nagpapatunay sa tamang pagbabayad ng puwesto mula sa gobyerno).
Bumilibili ng piniratang Lynda.com sa Greenhills.
Noong Marso 19, 2010, bumalik ang mga mananaliksik sa SM San Lazaro, upang lumikom pa ng mga katibayan o ebidensiya na magpapatunay na may mga lehitimong negosyo na may kanilaman sa pamimirata. Bumili ng Acekard ang mga mananalikisik na halatang peke dahil itsurang kahon nito na makapal at may makikitang parisukat sa gitna. Gumagana lamang ito sa firmware ("computer programming instructions that are stored in a read-only memory unit rather than being implemented through" -www.answers.com) sa mayroon sa partikular na tidahan kaya't lalong iginiit ng tindera na orihinal ang Acekard, ngunit ang tinutukoy na produkto na ibinenta sa mga mananaliksik ay namimili lamang ng Nintendo DS na paggagamitan. Iba ang firmware sa Nintendo DS na dala ng mga mananaliksik, kaya hindi gumagana ang Acekard. Ang pagpili ng firmware ay isa sa mga indikasyon na ito ay peke.
Kaliwa - Kanan: Orihinal na Acekard - Pekeng (piniratang) Acekard (pansining mabuti na may maaaninag na parisukat sa gitna nang pekeng Acekard)
Ang kahon ng orihinal ng Acekard ay mas manipis nang kaunti kumpara sa pekeng Acekard.
Ibinigay na resibo ng bumili ng Acekard na napatunayan na peke.
Game Faqs sa SM San Lazaro
Sa paglilibot sa Sta. Lucia East Grand Mall, Marcos Highway sa may Felix Avenue, San Isidro, Cainta, Rizal nakabili naman ang mga mananaliksik ng isang PS2 DVD game (Band Hero) sa isang tindahan, at naglabas ulit ang partikular ng tindahan ng resibo kahit na halatang-halata na pinirata lamang ang nasabing laro sapagkat naka-plastic bag lang ang DVD game. Ang orihinal ng PS2 DVD ay may malinaw na print ng imahe at lalagyan nito, bukod pa rito ay may mga detalyeng nakapaloob ukol sa produkto at mga impormasyon. Ang orihinal na presyo ng mga PS2 DVD games ay nagkakahalaga ng P 2, 500 pataas. Nakabili ang mga mananalisik ng isang Guitar controller (Guitar Knight) para sa Play Station 2 na nagkakahalaga ng P1,100. Masasabing peke ito sapagkat nabili ito nang bukod. Ang partikular na negosyo ay naglabas din ng resibo at nagbigay pa ng WARRANTY PERIOD. Bumalik na lang daw pag may sira, ipakita lang ang resibong ibinigay. Ang original na Guitar controller ay may kasama pang ibang components tulad ng drum set, mikropono at isang PS2 na laro na kadalasan ay Guitar Hero o Band Hero. Nagkakahalaga ito ng humigit-kumulang na P12,500. At iba rin ang kulay nito. Ang nabili ng mga mananaliksik ay mas maliit kumpara sa orihinal na laki ng nasabing controller.
Sta. Lucia East Grand Mall (www.stalucia.net)
Biniling piniratang PS2 game (Band Hero)
Guitar Knight Controller (P1,100)
Orihinal na itsura ng PlayStation 2 Guitar Hero Band Kit
(Larawan ay galing sa isang website.)
VI. Kongklusiyon at Rekomendasiyon
Sa pagsisiyasat ng mga mananaliksik sa ilang lugar sa Kamaynilaan, hindi makakaila na talamak na ang bentahan ng piniratang mga produkto. Maraming mamamili ang tumatangkilik dahil na rin sa mababang presyo nito kumpara sa orihinal, hindi nalalayo ang itsura sa orihinal at dahil hindi ganoon kasama ang itsura nito. Ang mga piniratang produkto (masasabi din peke o ginaya lamang) ay makikita na sa mga legal na lugar, tulad ng mall pinuntahan ng mga mananaliksik at higit sa lahat ay ang kakayahan ng tindahan na makapagbigay ng resibo na lumalabas na may pahintulot ng gobyerno.
Ang simpleng pagsulat ng resibo ay may mahalaga nang nagagawa sa gobyerno. Huwag isawalang-bahala ang paghingi ng resibo. Sa ganitong paraan, nakakatulong na ang mga mamimili sa kita (revenue) ng gobyerno taun-taon.
Bibliyograpiya o Sanggunian
Application No. 1906 - Application for Authority to Print Receipts and Invoices
Baes, Jonas, “Towards a political economy of the “real”: music piracy and the Philippine cultural imaginary”
EXECUTIVE ORDER NO. 297 - CREATING THE OFFICE OF THE ANTI-SMUGGLING PRESIDENTIAL ADVISER, Mayo 10, 2004
Habito, Cielito, “Receipts and good citizenship”, Inquirer, 2007
Gonzales, Val J., “Legal or Pirated?” Entrepreneur Philippines Magazine - July 2006, Pebrero 10, 2009
Gonzales III, Emilio R., “Pirates - Facing the challenges of optical disc piracy”, Philippine Business Magazine: Volume 10 No. 8 – Policy, 2003
Katigbak, Tony F., “OMB marks successful operations in 2008,” The Philippine Star, Pebrero 4, 2009
National Internal Revenue Code,
“Open For Business - Next to piracy, Open Source technology might just be the biggest threat to proprietary software”, Philippine Business Magazine: Volume 11 No. 6 –Technology, 2004
REPUBLIC ACT NO. 9239 – OPTICAL MEDIA ACT OF 2003
Tilman, “The Culture of Piracy in the Philippines”
INTERNET SITES
http://afp.google.com/article/ALeqM5iAmrF4PbwNUkxb54mBu_IHpTbyzA-“Islamic militants may be behind film piracy: Philippines official,” Mayo 21, 2008
http://hubpages.com/hub/Video-Game-Software-Piracy-In-The-Philippines - A., Verne, “Video Game Software Piracy In The Philippines”
www.answers.com
www.businessdictionary.com/
www.eturbonews.com/8031/pirated-goods-add-attraction-tourists-philippines -
Grafilo, John, "Pirated goods add attraction for tourists in Philippines," Marso 1, 2009
www.omb.gov.ph
www.ops.gov.ph/records/ra_no9239.htm
www.papt.org.ph/
www.papt.org.ph/news.aspx?id=2&news_id=108&paging=1 – “Anti-Piracy team heightens campaign against hard disk loading in computer retail stores: Two individuals arrested for loading pirated software onto computers sold to customers”, Disyembre 29, 2009
www.yourdictionary.com/smuggling
[1] Ang Kawanian ng Rentas Internas ay isang ahensya ng gobyerno ng saklaw ng Kagawaran ng Pananalapi (Department of Finance).
[2] BIR FORM NO.1906- Application for Authority to print receipts and invoices.
[3] Pamimirata - http://www.thefreedictionary.com/piracy
[4] Business receipt - http://www.businessdictionary.com/
[5] Mula sa “Receipts and good citizenship” ni Cielito Habito sa Inquirer (2007)
[6] Mula sa “Receipts and good citizenship” ni Cielito Habito, Inquirer (2007)
[7] Katigbak, Tony F. , “OMB marks successful operations in 2008,” The Philippine Star, Pebrero 4, 2009